Pumalo na sa 70% o 9,200 COVID-19 testing ang kayang isagawa ng Pilipinas kada araw.
Ito ang ipinabatid ni National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer Sec. Carlito Galvez.
Mula aniya noong Mayo 12, nakapagsasagawa na sila ng nasa mahigit 181,000 test para sa mahigit 166 na indibiduwal.
Kaugnay nito, sinabi ni Galvez na nakapagpamahagi na rin sila ng mahigit 177 rapid test kits sa iba’t-ibang panig ng bansa na walang laboratoryo.
Bukod pa ito aniya sa 30 testing centers na kanila nang naitayo sa buong bansa at target pa nilang dagdagan ang mga ito.