Plano ng Department of Health (DOH) na magdagdag ng sub-national testing laboraties sa buong bansa kung saan maaaring magsagawa ng confirmatory test sa COVID-19.
Sa kasalukuyan kasi tanging ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) lamang ang may kakayanan para magsagawa ng confirmatory test.
Ayon kay Health Asst. Sec. Kenneth Ronquillo, layon ng limang idadagdag na laboraties na mapadali ang pagsusuri sa mga indibidwal na itinuturing na persons under investigation (PUI).
Sumasailalim muna sa 14-day quarantine ang isang indibidwal at kapag nagpakita ito ng sintomas ng COVID-19 ay saka lamang ito ikinukunsiderang PUI.