Ibabalik na ng gobyerno ang testing at pinaikling quarantine protocols para sa mga biyahero mula sa “green list” countries at territories na nasa ilalim ng low-risk category para sa COVID-19.
Magugunitang sinuspinde nito lamang huling bahagi ng Nobyembre ang green list protocols bilang proteksyon laban sa “heavily mutated Omicron COVID-19 variant.”
Ayon kay Acting Presidential Spokesman at Cabinet Secretary Karlo Nograles, epektibo ang nasabing hakbang simula ngayong araw hanggang December 31 sa 41 lugar na kabilang sa green list.
Kabilang sa green list ang Bangladesh, China, Democratic Republic of Congo, Djibouti, Ghana, Hong Kong, Indonesia, Japan, Kenya, Kuwait, Pakistan, Oman, Paraguay, Netherlands, Taiwan, Timor Lesteat UAE.
Ang mga fully vaccinated travelers naman ay kailangang mag-presenta ng negative RT-PCR test result na kinuha tatlong araw bago pa ang kanilang departure mula sa green list territory.
Mananatili ang mga ito sa facility quarantine hangga’t makakuha sila ng negative result ng isa pang RT-PCR test sa pangatlong araw.