Mababang rate ng mga isinasailalim sa testing.
Ito ayon kay Dr. Butch Ong, Fellow ng OCTA Research Group ang nakikita nilang dahilan kaya’t mababa rin ang mga naitatalang kaso ng COVID-19.
Gayunman, sinabi sa DWIZ ni Ong na karamihan sa mga nagkakasakit ay mayruong mild symptoms ng COVID-19.
Ipinabatid ni Ong na mataas ang positivity rate at mababa ang reproduction number subalit hindi ito nangangahulugang wala ng COVID kaya’t dapat pa ring mag ingat ang lahat.