Pinamamadali na ni Sen. Grace Poe ang gagawing test sa bagong bagon ng Metro Rail Transit.
Ito’y matapos ma-inspeksiyon ni Poe ang prototype train na gawa ng isang kompanya mula sa China at kasalukuyang naka-grahe sa MRT North depot.
Ayon kay Poe, dapat matapos na agad ang testing upang malaman kung maaari na ba itong magamit ng publiko.
Aniya, sa panahong ito ay kailangang-kailangan ng mga dagdag na tren na magagamit ng mga mananakay.
By Jelbert Perdez | Report and Photos Courtesy of Jonathan Andal