Mahalaga at matibay na ebidensya ang “text messages” na ipinakita ng kapatid ni Jun Globa Villamor, ang nasawing “middleman” sa kaso ng pagpatay sa broadcaster na si Percival Mabasa.
Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, mababasa sa mga “text message” na ipinakita ni alyas ‘Marissa’ ang mga huling sinabi ng kanyang kapatid bago bawian ng buhay.
Maituturing aniya itong “dying declaration” o alam ng tao na siya ay pwedeng mamatay kaya nagsasabi o naglalabas ng mga impormasyon at kabilang sa mga exception sa “hearsay rule.”
Ipinaliwanag naman ng Kalihim na mahalagang ebidensya ang text messages dahil ang kapatid ni Villamor ang may-ari ng cellphone at nakausap ni Jun bago mamatay.
Dahil dito, ipasusuri sa National Bureau of Investigation ang naturang ebidensya.