Ilang istruktura pa ang inihabol ng Task Force Bangon Marawi matapos maluwagan ang restrictions dulot ng COVID-19 pandemic.
Sinabi ni Task Force Spokesperson Felix Castro na nabinbin ang ilang proyekto sa lungsod dahil nag alisan ang mga manggagawa nuong pandemya na ang iba ay hindi na bumalik kaya’t naghanap pa sila ng bagong tauhan.
Nasa halos isang bilyong pisong pondo pa ng mga proyekto sa Marawi City ang hindi pa naipapatupad bagamat marami na ang naipatayo tulad ng 96 na barangay hall at ilang kalsada
Ayon pa kay Castro, mayroon na ring kuryente sa pinaka apektadong bahagi ng Marawi.