Suportado ng Thailand at India ang pagpapairal ng international law sa West Philippine sea sa gitna ng ginanap na asian security summit sa Singapore.
Ayon kay Thai Prime Minister Prayuth Chan o-Cha, dapat magkaroon ng mapayapang resolusyon sa pamamagitan ng international law kabilang ang United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS.
Inihayag naman ni U.s. Senator John Mc cain na umaasa ang Amerika kasama ang buong mundo sa mga bansa sa Southeast Asia na maresolba ang territorial dispute dahil malaki ang kinalaman nito sa seguridad at pag unlad ng lahat.
Inaasahang anumang araw ngayong buwan ilalabas ng permanent court of arbitration sa the Hague, Netherlands ang kanilang desisyon sa reklamo ng Pilipinas laban sa China.
By: Drew Nacino