Nangako ang gobyerno ng Thailand na babalansehin ang trading sa pagitan ng kanilang bansa at Pilipinas.
Ayon kay Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, nangako si Thai Prime Minister Prayut Chan-O-Cha na tutulong sila sa pamamagitan ng paghikayat sa kanilang mga negosyante na bumili ng mga produktong Pinoy para mapalakas ang export ng Pilipinas.
Ang Thailand ang pang-6 na pinaka-malaking trading partner ng Pilipinas at malaki ang kanilang trade surplus nangangahulugan na malaki ang kanilang export kumpara sa Pilipinas.
Umaasa ang kalihim na tutugon ang mga Thai businessmen lalo na kapag narinig nila ang mga pagbabagong ipinatutupad sa pagnenegosyo sa pulong ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pangunahing business leaders ng Thailand.
Malaki rin anya ang papel ng ASEAN economic community para mapalakas ang pagnenegosyo sa mga bansa sa rehiyong Asya.
By Drew Nacino |With Report from Aileen Taliping