Tagumpay na nadepensahan ng Thailand ang kanilang kampyonato sa 2016 ASEAN Football Federation o AFF Suzuki Cup.
Sinagupa ng Thai National Team ang Indonesia sa 2nd leg ng finals upang masungkit ang ika-limang championship sa kanilang homecourt sa Bangkok, kagabi.
Pinataob ng War Elephants ang Indonesian Garudas sa score na 2-0 sa pangunguna ng Thai forward na si Siroch Chatthong.
Ang AFF Suzuki Cup ang unang international tournament na sinalihan ng Indonesia simula nang tanggalin ang one-year ban na ipinataw ng FIFA.
Ito rin ang ika limang beses nabigo ang Indonesia na masungkit ang titulo.
By: Drew Nacino