Muling nagbukas ang Thailand para sa mga foreign tourist mula sa 63 bansa kabilang na ang Pilipinas.
Sinimulan kahapon ang pagbubukas upang payagan nang makapasok sa kanilang bansa ang mga turista mula sa ibang mga bansa.
Nabatid na sa pagbubukas, hindi na ipatutupad ang quarantine period pero kailangan na fully vaccinated ang mga turista at dapat na naka-check-in o nakabook sa pre-approved hotel ng Thai Government at kailangan na mag negative ang kanilang swab test result.
Layunin ng Thai government na maibangon ang kanilang ekonomiya matapos bumagsak dahil sa banta ng COVID-19. —sa panulat ni Angelica Doctolero