Naghahanda na ang gobyerno at mga ahensya sa Thailand sa posibleng pagdagsa ng chinese tourist sa kanilang bansa.
Kasunod ito ng pagluluwag ng restriksiyon sa Beijing, China Matapos ang muling pagsirit ng kaso ng Covid-19.
Dahil dito, hinihikayat ng Tourism Authority ng Thailand ang mga business operator na tiyaking makatatanggap ng Covid-19 booster shot ang lahat ng kanilang staff lalo na ang mga hotel receptionist, driver at tour guides na posibleng maging close contact ng mga nasabing turista.
Kailangan din na istriktong sumunod sa safety and health administration standard ang mga hotel, restaurant at tour operators laban sa nakahahawang sakit.