Nagpatupad ng panibagong entry regulations ang gobyerno ng Thailand kasunod ng pagbubukas ng mga border sa China dahil sa muling pagsirit ng kaso ng COVID -19.
Sa bagong panuntunan ng Thailand, hihingian na ang mga international travelers ng katibayan na sila ay fully vaccinated na laban sa COVID-19 bago payagang makapasok ng bansa.
Kailangan namang magpakita ng medical certificate ang mga hindi nabakunahang dayuhan para malaman ang dahilan kung bakit hindi sila nagpaturok ng bakuna laban sa nakakahawang sakit.
Ayon sa Civil Aviation Authority ng Thailand, ang lahat ng foreign arrivals ay kailangan ng pruweba at sertipikong nagpapatunay na naka-recover ito sa COVID sa nakalipas na 6 na buwan.
Ang panibagong hakbang ay epektibo na, at tatagal lamang hanggang sa katapusan ng Enero.