Sumampa sa 24,571 ang kabuuang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Thailand matapos makapagtala ng karagdagang 166 na bagong kaso ngayong Linggo.
Batay sa information centre ng Thailand, nanatili sa 80 ang bilang ng lahat ng nasawi dulot ng virus sa bansa habang 22,111 naman ang bilang ng mga gumaling na.
Samantala, 2,380 ang mga patuloy na nagpapagaling.—sa panulat ni Agustina Nolasco