Niluwagan na Thailand ang ipinatutupad nitong restriksyon sa kanilang bansa kontra COVID-19.
Sang-ayon sa ipinalabas ng Tourism Authority of Thailand (TAT) nitong pagsisimula ng buwan, pinapayagan na ang pagbabalik operasyon ng ilang business establishments sa 29 nilang dark red zone provinces.
Kabilang dito ang muling pagpayag sa dine-in services sa mga kainan mapa-stand alone man o nasa mga malls hanggang 8 ng gabi.
50% seating capacity sa mga air-conditioned restaurants at 75% naman sa mga kainan sa open-air.
Gayundin ang nasa hair and beauty salons, health massage at spas, maging ang lahat ng mga uri ng educational institutions at iba pa.
Bagamat muli nang pinayagan ang pagbubukas ng mga establisyimentong ito ay may paiiralin pa ring curfew sa 29 na dark-red zone provinces mula 9 ng gabi hanggang 4 ng madaling araw.