Nailigtas ang mahigit 73 indibidwal habang 30 mandaragat ang nawawala matapos lumubog ang isang warship sa bahagi ng Prachuap Khiri Khan Province sa Thailand.
Ito’y dahil sa malakas o malaking alon kaya natuluyang tumagilid at lumubog ang barko.
Ayon kay HTMS Kraburi Commanding Officer Captain Kraipich Korawee Paparwit, natagpuan nila ang isang lalaking may hawak ng life buoy at lumulutang sa tubig sa loob ng 10 oras, may malay pa ito kaya’t ito ay nailigtas.
Sinabi naman ng mga survivor, na hindi madali ang pag-rescue sa mga indibidwal dahil sa malalaking alon na umabot ng tatlong metro ang taas.
Samantala, ipinadala naman ang tatlong navy vessels at dalawang helicopters para sa search and rescue operations. —sa panulat ni Jenn Patrolla