Kumpirmadong si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang nasa likod ng pagpapatalsik kay dating House Speaker Pantaleon Alvarez.
Kasunod ito ng idinaos na ‘thank you lunch’ na inorganisa ng alkalde para sa mga mambabatas na bumoto at sumuporta para maluklok sa bagong House Speaker Gloria Macapagal Arroyo.
Ayon kay Minority Leader Danilo Suarez, si Inday Sara ang siyang nangampanya sa mga kongresista para bumoto pabor kay Arroyo.
Matatandaang nagkairingan si Alvarez at Duterte-Carpio dahil sa regional party na itinayo ng alkalde ang Hugpong ng Pagbabago.
‘Thank You Lunch’
Naghanda ng ‘thank you lunch’ si Davao City Mayor Sara Duterte para sa mga mambabatas na sumuporta kay House Speaker Gloria Macapagal kahapon.
Isinagawa sa isang hotel sa Quezon City ang pananghalian na dinaluhan ng mga kongresistang bumoto at sumuporta sa speakership ni Arroyo.
Ayon kay Arroyo, isa lamang itong pribadong pananghalian at walang halong ibang agenda.
Kabilang sa mga dumalo sina ang mga kongresista na sina Carlo Nograles, L-Ray Villafuerte, Arjay Belmonte, Antonio Florendo at iba pa.
Dumating din sa naturang event si Ilocos Norte Representative at dating First Lady Imelda Marcos, anak nitong si Ilocos Governor Imee Marcos at dating Leyte Representative Martin Romualdez.
Sa nasabing okasyon ay nakipag-meeting din si Mayor Sara sa ilang lider ng mga political parties at mga party-list congressman at ilang opisyal ng lokal na pamahalaan.
—-