Kasado na ang gagawing Thanksgiving Party ng mga OFW o Overseas Filipino Worker para kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Crocodile Park Concert Grounds sa Davao City.
Ayon kay Arnold Alvarez, ground organizer ng nasabing aktibidad, nakahanda na maging ang mga local performers na magbibigay kasiyahan sa libong mga kalahok.
Nagpakalat na ng 3,000 pulis ang Davao City Philippine National Police (PNP) upang siguruhin ang seguridad at kaligtasan ng mga dadalo sa paligid ng venue.
Umaasa naman si Alvarez na makadadalo sa nasabing event si Pangulong Duterte.