Posibleng bumaba muli sa Bantamweight Division si Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire.
Ayon kay Richard Schaefer ng Ringstar Sports, promoter ni Donaire hindi angkop ang Pinoy boxer sa Featherweight Division.
Sinabi ni Schaefer na tinututukan na nila ang posibleng pagbaba ni Donaire sa 118 pound division.
Pinag-iisipan rin ng promoter kung ilalaban ang 35 anyos na Fil-American boxer sa French boxer na si Nordine Oubaali.
—-