Handa nang magsilbi muli at i-satisfy ang inyong cravings for good food ang tinaguriang lifestyle buffet, ang The Food Club Manila.
Kaya naman, iniimbitahan ng The Food Club ang lahat lalo na ang kanilang mga suki para bisitahin sila at magkaruon ng kakaibang dining experience sa 4th floor ng Ayala Malls Bay sa Paranaque City.
Mas pinasarap at mas pinarami ang mga pagpipiliang pagkain sa The Food Club sa presyong abot kaya pa rin.
Mula sa tradisyunal na mga pagkaing Pinoy, swak din tiyak sa inyong panlasa ang iba pang Asian cuisines na inihanda ng The Food Club gayundin ang Mediterranean flavors at maging ang savory Western dishes.
Siyempre, hindi rin mawawala ang mga fruits at desserts matapos matikman at mag-enjoy sa lahat ng mga pagkain ng The Food Club tulad ng cakes, ice cream, halo-halo, chocolate fondue at maraming iba pa.
Kung may pambara sabi nga, hindi rin pahuhuli ang The Food Club sa pantanggal ng bara tulad ng juice, kape, tsaa at maging draft beer.
Lahat nang yan sa halagang P788 pesos para sa lunch buffet at P988 sa dinner buffet mula Martes hanggang Biyernes, kapag Sabado naman, nasa P988 ang lunch buffet at P1, 158 ang dinner buffet at P1, 158 ang lunch at dinner buffet kapag araw ng linggo.
Subalit libreng kumain sa The Food Club ang mga batang below three feet at half the price naman ang bayad ng mga batang ang taas ay 3 to 4 feet.
Dagdag pa sa kakaibang dining experience sa The Food Club ang Filipino hospitality sa pamamagitan ng mababait at accommodating na staff na ready anytime to serve whatever your concern is habang sila rin naman ay naka facemask for health and hygiene purposes tulad ng lahat ng nagda dine in.
Huwag mag alala sa mga may sasakyan lalo na ngayong holidays dahil sampu ang parking floors ng ayala malls manila bay na very accesible rin via public transportation kaya’t mabilis na mapupuntahan lalo na ang The Food Club!.
Kaya ano pa ang hinihintay niyo? Punta na sa The Food Club o tumawag sa 09171444187, 09171664187 o mag-email sa foodclub.reservation@gmail.om at bisitahin ang Facebook page ng The Food Club para sa iba pang detalye.