Naglunsad ang The Medical City ng drive-thru coronavirus disease 2019 (COVID-19) testing facility sa Pasig City.
Ayon kay Division Head Lawrence Siabayan, inaasahan nilang sa pamamagitan ng drive-thru COVID-19 testing ay mas mapapabilis, mas magiging convenient at reliable ito para sa publiko.
Ani siabayan, ang COVID-19 testing na ito ay isa aniya sa maituturing na magandang alternatibong opsyon bukod sa RT-PCR na tinawag na ECLIA.
Gumagamit ng blood samples sa ECLIA at maaari nang makuha ang resulta sa loob ng 24-oras.
Magugunitang una nang naglunsad ng drive-thru COVID-19 testing facilities ang lokal na pamahalaan ng Taguig at Antipolo.