Hinimok ng SM ang pop culture enthusiasts para sa isang exciting event na hindi dapat ma-miss.
Ikinasa sa SM North Edsa ang collectors con 2023 na tinaguriang ultimate destination para sa mga collectors mula June 6 hanggang 25.
Ayon sa SM, asahan na ang exciting at mga bagong daan-daang collectibles ng mga paboritong epic characters mula comics, games, animation, superheroes at maraming iba pa.
Highlight ng collectors con 2023 ang pagsasama ng limited edition ng funko pop figures, life size muckle figures mula sa nangungunang pop culture at entertainment giants na warner brothers at disney at giant sized collections mula sa funko at fantastik.
Maaaring makapag uwi ang mga customers ng pop culture must haves mula sa Geek PH, Toy Kingdom, Collectzone, Filbar’s and Co.
Binigyang diin ng SM na ang collectors con 2023 ay perfect time para mailabas ang inyong funko creativity at i-enjoy ang ibat ibang aktibidad para sa mall shoppers habang gamitin ang oportunidad na makilala at matuto mula sa mga artist sa pamamagitan ng drawing workshop na sponsored ng Wacom Philippines.
Mag-design at mag-customize ng Funko figure ng libre gamit ang high tech drawing gadgets at maaaring isali sa funkography toy photography contest ang maituturing nyong best shot at epic content.
Mapapasakamay nang mapipiling most creative artworks ang special funko editions at drawing tablets.
Bukod dito, uubrang makahalubilo ng mall shoppers ang kanilang best loved anime at movie characters sa pamamagitan ng cosmeet na pagtitipon ng cocplyaers sa June 18 mula alas tres hanggang alas kuwatro ng hapon sa the block atrium.
Kaya naman patuloy ang pag imbita ng SM sa mga collector, local hobbyist o mga nagsisimula pa lamang mahumaling sa pop culture ..na kumuha ng litrato, snap reels at ibahagi ang inyong experience thru online conversations sa #collectorsconatsmnorth.