Tinanggihan ng China ang panukalang magkaroon ng third party sa imbestigasyon sa insidente sa Recto Bank o ang pagbangga at pag-abandona ng Chinese vessel sa bangkang pangisda ng mga Pilipino.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ito ang ipinabatid aniya ng Chinese Government kay Philippine Ambassador to China Chito Santa Romana.
Dahil dito, magsasagawa na lamang aniya ng magkahiwalay na imbestigasyon ang Pilipinas at China atsaka ikukumpara ang resulta ng kani-kanilang imbestigasyon.
Tiniyak naman ni Panelo na hindi palalampasin ng pamahalaan ang ginawang pag-abandona ng Chinese vessel sa mga mangingisdang Pinoy, aksidente man o sinadya ang nangyaring banggaan.
Hindi rin aniya uubra ang sorry lamang ng China at titiyaking may mananagot sa insidente.
“I adrust by assurance of the ambassador of China when they said na they will not allow that/ Kung merong irresponsible behavior, they will impose sanctions. Sino ngayon ang mananagot don? Kailangan you will be accountable to that. Yun nga ang kinondena natin from the very start eh kasi yun ang klaro eh. “ — Presidential Spokesperson Salvador Panelo