Maaari nang mag-donate ng dugo ang mga third sex para matugunan ang kakulangan nito dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) outbreak.
Nabatid na noong 2015 nang magsimulang ipagbawal ang pagdodonate ng dugo ng mga “gay men” dahil sa posible nilang pakikipagtalik sa kapwa lalaki sa loob ng 12 buwan.
Ngunit ayon sa U.S. Food and Drug Administration, sa halip na 12 buwan, hindi na lamang maaaring magdonate ng dugo ang mga “gay men” na nakipagtalik sa kapwa nila lalaki sa loob ng tatlong buwan.
Anila nabawasan ang mga nagdodonate ngayon ng dugo dahil sa umiiral na social distancing dahil sa banta ng COVID-19.
Dahil dito, hindi na sumasapat ang dugo na kinakailangan ng mga ospital para sa mga sakit na kailangan nito.