Makikipagsapalaran sa Japan si Thirdy Ravena.
Ito’y makaraang pumirma ng kontrata si Ravena sa San-En Neophoenix ng B.League na lumalaban sa Central Conference ng first division ng liga.
Nabatid na nakasama si Ravena sa “Asian Special Slot” rules ng liga kung saan pinapayagan ang bawat team na kumuha ng Asian imports.
Magugunitang naging impresibo ang collegiate career ni Ravena sa Ateneo de Manila University habang kasalukuyan naming naglalaro ang kanyang nakatatandang kapatid na si Kiefer sa NLEX Road Warriors ng PBA.