“Always game” o handang handa si Thirdy Ravena na maglaro sa Gilas Pilipinas sa 2023 FIBA basketball world cup.
Gayunman, sinabi ni Thirdy na wala pang ipinapaabot na advisory sa kanya para sa november window ng FIBA world cup.
Si Thirdy ay isang beses na naglaro sa 2020 FIBA Asian cup qualifiers kung saan naitala nito ang 23 point, 8 rebound performance.
Kasalukuyang nasa Japan si Thirdy kung saan naglalaro siya para sa SanEn NeoPhoenix sa B. League bilang asian import.