Sinuspinde at pinagmulta ng 100,000 yen o katumbas ng mahigit 43,000 si Thirdy Ravena matapos masira ang sponsor signboard ng Toyama Grouses.
Ayon sa koponan, nagbunsod ang suspensiyon kay Ravena ng magpakita ito ng hindi magandang ugali sa pagkatalo nila nitong linggo laban sa Toyama Grouses ng Basketball League ng Japan.
Nangyari ito ng hindi naipasok ni Ravena ang kaniyang free-throw sa huling segundo ng laro para maitabla sana ang laro 90-89.
Naiyak si Ravena at dahil sa emosyon ay nasira niya ang signboard ng nakalabang koponan.
Nagbigay naman ng payo ang koponan para kay Ravena na pag-aralang mabuti bawat kilos na ipinapakita lalo na sa paglalaro.
Samantala, humingi naman ng paumanhin ang filipino player dahil sa ipinakita nitong maling asal.