Mananatili pa ring coach ng Philippine football team na Azkals sa loob ng dalawang taon si Thomas Dooley.
Kinumpirma ito ni Azkals Team Manager Dan Palami kasunod ng impresibong performance ni Dooley sa koponan.
Ani Palami, nararapat lamang bigyan pa ng pagkakataon si Dooley na makapag-ambag pa sa koponan.
Gayunman, sinabi ni Palami na kasalukuyan pa ring isinasaayos ang mga dokumento bago isapinal ang bago nitong kontrata.
By Jaymark Dagala