Itinaas na ng PAGASA ang thunderstorm advisory sa Metro Manila at tatlo pang lalawigan.
Inaasahang makararanas ng katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na posibleng may kasama pang pagkidlat at malakas na hangin sa bahagi ng Metro Manila, Bulacan, Rizal at Quezon sa loob ng susunod na isa hanggang dalawang oras.
Thunderstorm Advisory No. 1 #NCR_PRSD
Issued at: 7:05 AM,28 October 2019Moderate to heavy rain showers with possible lightning and strong winds are expected over #MetroManila, #Bulacan, #Rizal and #Quezon within the next 1-2 hours. pic.twitter.com/mds6xU9IMo
— PAGASA-DOST (@dost_pagasa) October 27, 2019
Pinag-iingat naman ang mga residente sa mga naturang lugar sa posibleng maranasang flash floods at landslides.