Maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang patuloy na iiral sa Metro Manila, ilang parte ng Luzon at Visayas dahil sa low pressure area.
Ayon sa PAGASA, ang LPA ay huling namataan na nasa bisinidad ng San Vicente, Palawan at nakakaapekto rin sa Southern Luzon, Visayas, at Mindanao.
Ibinabala naman ng PAGASA na posibelng maging tropical depression ang nasabing sama ng panahon sa loob ng 48 oras at papangalanan itong “Odette”.
Samantala, isa pang bagong tropical depression ang namataan ng weather agency sa labas ng na nasa layong higit 1,000 kilometro silangan ng Visayas.