Binaha ang ilang bahagi ng Metro Manila kagabi dahil sa biglaang pagbuhos ng malakas na pag ulan.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), mainit na panahon pa rin ang mararanasan sa umaga at posible pa rin na magkaroon ng localized thunderstorm pagdating ng hapon o gabi.
Samantala, magkakaroon ng mahina hanggang sa katamtamang pag ulan ang Palawan, western Visayas at Mindanao partikular na ang Zamboanga at Dipolog dahil sa hanging habagat.
Malakas na pag-ulan din ang mararanasan sa Nueva Vizcaya, Aurora at Batanes.
By Mariboy Ysibido