Inaasahang magkakaroon ng mga thunderstorm o biglaang buhos ng malakas na ulan ang kalakhang Maynila, subalit panandaliang pag-ulan lamang sa mga susunod na araw gaya ng naranasan natin, kahapon ng umaga.
Magpapaulan din ang habagat sa kanluran at hilagang bahagi ng gitnang Luzon habang katamtamang lakas ng ulan ang mararanasan sa Pangasinan, Zambales, at Bataan.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), may kalakasan naman ang mararanasang mga pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Visayas lalo na sa Bacolod at Iloilo.
Magkakaroon naman ng mahinang mga pag-ulan ang malaking bahagi ng Mindanao.
By Jelbert Perdez