Ikinokunsidera ni Coach Freddie Roach si WBC/ WBA Welterweight Champion Keith Thurman bilang kasunod na makakaharap ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao.
Ayon kay Roach, napanood niya ang naipanalong laban ni Thurman kay dating world champion Danny Garcia via split decision.
Aniya, naging mahigpit ang laban sa pagitan ng dalawang boksingero.
Dahil dito, nakita ni Roach na magandang katunggali ni Pacquaio si Thurman pero tiwala pa rin siyang magiging madali lamang ang laban sa Pambansang Kamao.
Una nang ibinasura ang nakatakda sanang laban ni Pacquiao kay Amir Khan matapos ang hindi pagkakaunawan sa premyo.
By Krista de Dios