Walang direktang epekto sa bansa ang bagyong may international name na Halola.
Ayon ito sa PAGASA matapos pawiin ang pangamba sa inaasahang pagpasok sa PAR o Philippine Area of Responsibility ng nasabing bagyo.
Sinabi ng PAGASA na lalabas din ang naturang bagyo sa karagatang sakop ng Pilipinas sa loob ng ilang oras.
Samantala, makakaranas naman ang Luzon ng mga pag-ulan ngayong araw na ito dahil sa paggalaw ng mahinang Low Pressure Area (LPA).
Kaninang alas-4:00 ng umaga, ang Low Pressure Area (LPA) ay namataan sa layong 115 kilometer east ng Casiguran, Aurora.
Asahan na ang maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan, pagkidlat, pagkulog sa mga lalawigan ng Aurora, Quezon, Camarines, Mindoro, Marinduque at Romblon.
Sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng Luzon, kasama na ang buong Visayas at Mindanao, asahan na ang bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may mga pagkidlat, pagkulog o isolated thunderstorm.
By Judith Larino | Mariboy Ysibido