Bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mahinang mga pag-ulan ang mararanasan sa mga rehiyon ng Ilocos, Cordillera, Cagayan Valley at Gitnang Luzon.
Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog ang iiral sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.
Katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na hangin mula sa hilagang-silangan ang iiral sa hilaga at gitnang Luzon at ang mga baybaying dagat sa mga lugar na ito ay magiging katamtaman hanggang sa kung minsan ay maalon.
Sa ibang dako, ang hangin ay magiging mahina hanggang sa katamtaman mula sa hilagang-silangan hanggang sa silangan na may banayad hanggang sa katamtamang pag-alon ng karagatan.
By Mariboy Ysibido