Umakyat na sa Visayas ang Inter-Tropical Covergence Zone (ITCZ) kaya asahan ang maulap na panahon na may mahina hanggang sa katamtamang mga pag ulan pagkulog at pagkidlat sa Visayas.
Magdadala rin ito ng pag ulan sa Bicol Region, MIMAROPA at Mindanao.
Samantala muling nakaranas ng malakas na ulan at kulog ang malaking bahagi ng Metro Manila, Rizal, Pampanga, Cavite, Zambales, Bulacan at Laguna kahapon ng hapon.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng Luzon ay patuloy na makararanas ng magandang panahon sa umaga at pulo-pulong pagkulog pagkidlat tuwing hapon at gabi.
By Mariboy Ysibido