Mayroong dalawang cloud clusters o makakapal na ulap na nabuo sa loob ng Inter-Tropical Convergence Zone (ITCZ) sa silangan ng Mindanao.
Nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang isa sa mga ito habang nasa labas pa ang isa.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration-Department of Science and Technology (PAGASA-DOST), posibleng magsanib ang dalawang cloud clusters at mabuo bilang Low Pressure Area (LPA).
Ngunit kahit hindi magsanib ang dalawa ay mayroon pa ring posibilidad na maging LPA ang cloud clusters na nasa labas ng PAR pagdating ng weekend.
Patuloy pa rin magdadala ng pag-ulan sa Visayas at Mindanao ang ITCZ.
By Mariboy Ysibido