Malinaw na panggigipit sa pamilya Binay ang panibagong suspension order na inihain laban kay Makati City Mayor Junjun Binay.
Ito ang binigyang diin ni United Nationalist Alliance (UNA) Interim President Toby Tiangco matapos maisilbi ang suspension order sa nakababatang Binay dahil sa umano’y anomalya sa pagpapatayo ng Makati Science High School.
Giit ni Tiangco, kitang-kitang may halong pulitika ang naturang hakbang ng Ombudsman at DILG.
“So ang nakakapagtaka po diyan is bakit naman parang sunud-sunod ata kailan lang si Mayor Binay ay pina-pasuspend nila, ngayon siya na naman ulit? Wala kayang LP officials na may kasalanan?”Ani Tiangco.
Kaugnay nito, duda din si Tiangco sa tunay na dahilan ng mga pulis kaya’t ayaw papasukin sa City Hall ang mga taga-suporta ni Mayor Binay.
“Ang ultimate plan talaga diyan is to force in, ibig sabihin kung walang tao doon at equipment lang, they can force in at kunin physically si Mayor Binay.” Pahayag ni Tiangco.
By Ralph Obina | Karambola