Tinamaan ng magnitude 6.3 na lindol ang Tibet, China.
Ayon sa United States Geological Survey o USGS, wala namang ini-uulat na napinsalang ari – arian o nasaktan sa lindol.
Sinasabing ang pagyanig ay naitala sa lalim na 6.2 miles o 10 kilometro sa Tibetan Plateau.
Magugunitang tinamaan din ng mas malakas na lindol ang Sichuan Province noong 2008 na kumitil sa buhay ng may 70,000 katao.