Isinugod sa ospital ang kilalang Tibetan spiritual leader na si Dalai Lama matapos magkaroon ng impeksyon sa dibdib.
Ayon sa personal secretary ni Dalai Lama, nakaranas ng hirap sa paghinga ang 83-anyos na spiritual leader dahilan kaya dinala ito sa New Delhi Hospital kung saan ito kasalukuyang naka-confine.
Aniya, ginagamot na ng mga doktor ang nakitang impeksyon sa dibdib ni Dalai Lama at nasa stable na rin itong kondisyon.
Magugunitang lumipad ng India si Dalai Lama noong 1959 matapos mabigo ang pinangunahang pag-aaklas laban sa China na sumako sa Tibet noong 1950.
—-