Sold-out agad ang ticket para sa press conference para sa bakbakang Floyd Mayweather Jr. at UFC Star Conor McGregor.
Ayon kay UFC President Dana White, bukod pa ito sa mismong mga ticket para sa mismong laban.
Dahil dito, inilipat ang venue sa mas malaking lugar para mas makapag-accommodate ng mas marami pang boxing at mixed martial arts fan.
Ang mismong saguapaan sa pagitan nina Mayweather at McGregor ay gaganapin sa Agosto 26 sa Las Vegas.
By Ralph Obina