Nagkaubusan na ng ticket para sa mga pasahero ng mga air-conditioned bus sa Araneta busport sa Cubao, Quezon City.
Ito’y dahil Biyernes pa lamang ay fully booked na ang lahat ng biyahe ng mga bus na karaniwang patungong Bicol at Visayas.
Sa kabila nito, marami pa ring mga pasahero ang nagbabakasakaling may mababakanteng upuan dahil sa mga nagpareserba pero hindi makakarating.
Matumal naman ang bentahan ng ticket para sa mga ordinaryong bus sa nabanggit na terminal.
Kagabi ay muling nagdulot ng pagsisikip sa daloy ng trapiko partikular sa EDSA-Balintawak, Cubao at Pasay ang mga bus na biyaheng probinsya.
Samantala, pasado naman sa inspeksiyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board, Philippine National Police, at Land Transportation Office ang halos lahat ng unit ng bus sa Araneta Center Busport.