Nanindigan si Top Rank CEO Bob Arum na tuloy ang laban ni 8-division world champion Manny Pacquiao sa Mayo 9.
Ito ay sa kabilang ng reklamo sa laban ni Pacquiao dahil sa magbibigay ito ng full media exposure habang kandidato sa pagka-senador.
Ayon kay Arum, imposibleng maipagpaliban pa ang napagkasunduang laban ni Pacquiao.
Hindi rin nababahala si Arum kahit pa nawala na si Pacquiao bilang endorser ng Nike.
Iginiit ni Arum na marami pa rin namang kumpanya ang nais na maging endorser si Pacquiao sa kabila ng mga kontrobersyang kinasangkutan nito.
By Ralph Obina