Halos inabot lamang ng tatlumpung (30) minuto ang bentahan ng ticket para sa concert ni Bruno Mars sa Pilipinas.
Bukod ditto, nag-trending pa ang Bruno Mars at #24ktourmanila kasabay ang pagdagsa sa social media ng mga litrato ng mga nakabili na ng ticket para sa nasabing concert.
Ayon kay Rhiza Pascua, head ng Mmi Live, producer ng nasabing concert, mabilis na naubos ang ticket para sa may 3, 2018 concert ni Bruno Mars sa Mall of Asia Arena at nagde-demand pa ang maraming netizens na magbenta pa ng dagdag na tickets.
Wala pa namang tugon ang producers ng naturang concert kung maglalabas pa ng dagdag na tickets na ang range ay mula mahigit P12,000.00 hanggang P24,000.00.