Tiyak na magiging inspirado ang Gilas Pilipinas sa kanilang unang laban sa Asian World Cup Qualifiers.
Ito ay matapos na mapaulat na sold out na o ubos na ang ticket sa laban ng Gilas kontra Japan na gaganapin sa Komazawa Gymnasium sa Tokyo sa Nobyembre 24.
Ayon sa Japan Basketball Association, nasa 4,000 lamang ang seating capacity ng venue ng laban.
Kabilang sa mga bumubuo sa Gilas Pilipinas ay sina naturalized player Andray Blatche, four time PBA MVP June Mar Fajardo, Romeo Terrence, Calvin Abueva, Japeth Aguilar, Kevin Alas, Keifer Ravena at iba pa.
Samantala, gaganapin naman sa Smart Araneta Coliseum dito sa bansa ang magiging susunod na laban ng Gilas kontra naman sa Chinese Taipei sa Nobyembre 27.
—-