Napag-alaman ng mga awtoridad sa Brazil na may mga taong nag bebenta ng tickets para sa Rio Olympics kahit hindi pa nag-iisyu ng official tickets ang mga organizer nito.
Ayon kay Rio de Janeiro Police Investigator Gilberto Ribeiro, nabatid nila na may nagaganap na ‘ticket scalping’ dahil may na-monitor silang 10 katao na nagbebenta ng tickets sa social media.
Aabot daw sa 712 ticket vouchers ang ibinebenta kapalit ng ticket na na-doble na ang presyo.
Karamihan daw sa mga ibinebentang ticket ay para sa “high-profile” events.
Pagdidiin ni Ribeiro, iligal sa Brazil ang reselling ng tickets sa mas mataas na halaga at posibleng makulong ang mga suspek ng hanggang 2 taon.
Sa ngayon ay nakilala na ang mga awtoridad sa Brazil ang mga sangkot sa ticket scalping at sasailalim ang mga ito sa masusing imbestigasyon.
By Mark Makalalad