Wala nang ticket sellers lahat ng istasyon ng tren sa Light Rail Transit Line 2 (LRT-2).
Ayon kay Atty. Hernando Cabrera, tanging mga vending machine na lamang makabibili ng ticket ang mga mananakay.
Layon aniya nito na maiwasan ang hawaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa mga pasahero at empleyado.
Kasabay nito, tiniyak ni Cabrera na regular nilang ididisinfect ang mga ticket vending machine upang manatiling ligtas ang paggamit ng mga pasahero nito.
Una rito, umabot sa halos 200 empleyado ng MRT-3 ang dinapuan ng virus kabilang na ang ilang ticket sellers nito dahilan para pansamantalang itigil ang operasyon upang bigyang daan ang disinfection sa mga istasyon at mga bagon ng tren at pagsasailalim sa quarantine ng mga empleyadong nagpositibo sa virus.