Makatatanggap ng tig-isang milyong piso ang bawat pamilya ng mga nasawing biktima ng pag-atake sa Resorts World Manila.
Ayon kay Resorts World Chief Operating Officer Stephen Reilly, bagaman hindi na maibabalik ang buhay ng tatlumpu’t walong (38) biktima, umaasa sila na makatutulong ang nabanggit na halaga sa pangangailangan ng mga naulilang pamilya.
Magugunita noong Huwebes ng gabi ay pinasok ng nag-iisang suspek ang casino at nanunog ng mga gambling table kaya’t nabalot ng usok ang ilang bahagi ng gusali dahilan upang mamatay sa suffocation ang ilang empleyado at guest.
“We are releasing financial assistance to the victims and families to address their immediate needs. On top of the funeral and burial assistance, we are sending 1 million pesos to each of the families of the deceased. We lost so many lives because of this senseless act. We hope that we will be able to help the affected families especially in this difficult times.” pahayag ni Stephen Reilly, Chief Operating Officer ng Resorts World Manila.
By Drew Nacino
Pamilya ng mga nasawi sa Resorts World attack makatatanggap ng tig-isang milyong piso was last modified: June 4th, 2017 by DWIZ 882