Nakahanda si UP – Philippine General Hospital (PGH) Spokesperson Dr. Jonas Del Rosario na unang magpaturok ng anti-COVID-19 vaccine na likha ng Chinese firm na Sinovac.
Ayon kay Del Rosario, makatutulong ang anumang bakuna kontra COVID-19 para mas maging aktibo ang immunity at posibleng mapataas pa ang lebel ng anti bodies ng isang COVID-19 survivor na katulad niya.
Paliwanag ni Del Rosario, magsisilbi ang bakuna bilang immune booster lalo na’t wala pang matibay na pag-aaral kung gaano katagal mananatili ang anti-bodies ng mga nakarekober na mula sa COVID-19.
Hindi rin aniya tiyak kung posibleng pang mahawang muli sa COVID-19 ang mga dating na-infect na ng virus.
Bukod dito, umaasa rin si Del Rosario na makatutulong ang kanyang pagpapabakuna para mapataas ang kumpiyansa ng publiko sa anti-COVID-19 vaccine.
Tiningnan nila yung mga nagkaroon ng COVID at binakunahan kinompare nila yung sa taong nagka-COVID at hindi nagpabakuna, mas mataas yung anti-bodies na napo-produce nung nagpabakuna. Nung January, nung ako’y nag-donate ng plasma ang alam ko pong anti-body level ko ay mataas ngayong nagpakuha ako ulit last week ay bumababa na ng kalahati so, ibig sabihin medyo bumababa ‘yan, sa akin naman yung tingin ko is kahit isa lang shot ng vaccine pang-boost lang ng aking immunity ay okay na rin sa akin,” ani Del Rosario.