Nagbabala ang pamunuan ng Department of Health (DOH) na posibleng magkaroon ng outbreak ng tigdas sa susunod na taon.
Ayon sa DOH, aabot sa higit 2 milyong mga batang nasa 5 taon gulang pababa ang posibleng tamaan ng tigdas.
Bukod pa rito, ibinabala rin ng DOH, na halos lahat ng mga probinsiya at ilang mga lungsod sa bansa ang ‘high risk’ sa din sa banta ng sakit.
Mababatid noong taong 2014, nang maitala ang outbreak ng tigdas na umabot sa 55, 000 ang tinamaan nito, at naulit noong 2018 at 2019.
Bukod sa tigdas, hindi pa rin nakokontrol ng DOH ang pagkalat ng vaccine-derived polio.
Kung kaya’t, plano ng DOH, na magsagawa ng ‘MR-OPV SIA’ o measles, rubella, and oral polio vaccine supplemental immunization activity.
Sa katapusan ng kasalukuyang buwan hanggang Nobyembre nakatakdang isagawa ang unang phase ng naturang vaccination sa ilang rehiyon sa Luzon at Mindanao.
Habang Pebrero sa susunod na taon naman gagawin ang ikalawang phase nito sa iba pang mga lugar.